Pagpapalawak ng CFAP

Mga Bagong Kinakailangan sa Pagiging Karapat-dapat sa CFAP

Sinimulan ng Assembly Bill 135, Piskal na Taon (FY) 2021-2022 Human Services Omnibus Trailer Bill, ang pagpapalawak ng sa mga karagdagang hindi mamamayan na hindi kasama sa CalFresh batay lamang sa kanilang katayuan sa imigrasyon.  Noong 2022, ipinasa ng Gobernador at ng Lehislatura ang badyet na may kasamang pagpopondo upang mapalawak ang CFAP para sa lahat ng taga-California, na nasa edad 55 o mas matanda pa, na karapat-dapat ang kita, anuman ang katayuan sa imigrasyon (Assembly Bill 178, Budget Act of 2022).

Bukod dito, ang Senate Bill 187, (2022), ay hindi inaatasan ang mga aplikante ng CFAP na magbigay ng numero ng social security, kung wala sila nito, o sumunod sa mga iniaatas sa trabaho ng CalFresh sa oras na maipatupad ang pagpapalawak.

Mahalaga! Hindi pa makukuha ang benepisyong ito. 

Upang maghanda para sa pagpapatupad ng pagpapalawak na ito, nakikibahagi ang CDSS, Mga Kagawaran ng Kapakanan sa County (CWDs), Samahan ng mga Direktor ng Kagawaran ng Kapakanan ng mga County sa California (CWDA), Pangkalahatang Awtonomisadong Sistema ng Kapakanan ng California (CalSAWS), at mga apektado sa nutrisyon sa isang masinsinang proseso ng pagpaplano sa pagpapatupad, kabilang ang patakaran, seguridad ng datos, automation, pagsasanay, karanasan ng customer, at pagpapaunlad ng plano sa pakikipag-ugnayan. Magpapaskil ang CDSS ng mga pagpupulong, webinar, materyales, at update sa webpage na ito sa pagsisikap para sa kalinawan, na magbibigay ng pinakabagong impormasyon sa pag-unlad na ginawa patungo sa pagpapatupad.

Ipapatupad ang pagpapalawak ng CFAP sa Oktubre 1, 2027.

Mga Pagsasalin sa Pahinang Ito

Ang web page na ito ay mababasa rin sa mga sumusunod na wika:

  • Español – Espanyol (Nakabinbin na Nasalin na Pahina)
  • 中文 – Tsino (Nakabinbin na Nasalin na Pahina)
  • 한국인 – Koreano (Nakabinbin na Nasalin na Pahina)
  • Tagalog – Tagalog (Nakabinbin na Nasalin na Pahina)
  • Tiếng Việt – Vietnamese (Nakabinbin na Nasalin na Pahina)