Ang Programa ng Pagkain sa Restaurant ng CalFresh
AVAILABLE NA NGAYON SA BUONG ESTADO
I-click DITOpara matingnan ang mapa ng mga nagtitinda sa restawran na malapit sa iyo sa ilalim ng Programa ng Pagkain sa Restawran (Restaurant Meal Program, RMP), o i-click DITO para mahanap ang listahan ng mga restawran sa iyong county.Mangyaring tandaan na ang mapa ay mas naaayon sa mga mobile device (smartphone at tablet), habang ang listahan ay mas angkop para sa mga computer (desktop at laptop).
Maligayang pagdating sa webpage ng Programa ng Pagkain sa Restawran ng CalFresh (Restaurant Meals Program, RMP). Nakasulat sa webpage na ito ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa RMP sa California para sa parehong mga kliyente at kasosyo.
Tungkol sa Programa ng Pagkain sa Restawran ng CalFresh
Ang RMP ay isang programa na nagbibigay sa ilang indibidwal na may mataas na panganib na makaranas ng malubhang pagkagutom ng opsyon na gamitin ang kanilang mga benepisyo sa CalFresh Food upang bumili ng mga inihandang pagkain sa mga aprubadong kalahok na nagtitinda sa restawran. Ang RMP ay maaaring makuha ng mga matatanda na may edad na 60 o pataas, mga taong may kapansanan, mga taong walang tirahan, at kanilang mga asawa.
Itinatag noong 1978 bilang isang programa upang mabigyan ang mga matatanda at/o mga taong may kapansanan na mga benepisyaryo ng Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP) ng opsyon na bumili ng inihandang pagkain sa mga awtorisadong nagtitinda sa restawran, noong 1996, pinalawak ang programa upang maglingkod sa mga tatanggap ng SNAP na walang tirahan. Sa California, ang RMP ay nagsimula bilang isang pilotong programa noong mga unang taon ng 2000 sa San Francisco County, at lumago nang paunti-unti upang maisama ang 18 county. Epektibo noong Oktubre 12, 2019, iniutos ng Assembly Bill (AB) 942 na ipatupad ng CDSS ang RMP bilang isang programa sa buong estado.
Bilang resulta ng AB 942, ang mga tagapagbigay ng serbisyo sa restawran na inaprubahan ng pederal na pamahalaan ay maaaring lumahok sa RMP sa buong estado, sa loob ng lahat ng 58 county sa California. Simula Setyembre 1, 2021, ang RMP ay pinalawak na upang maging pambuong-estadong programa. Sinisikap ng CDSS na magkaroon ng mga RMP na tagapagbigay ng serbisyo sa restawran sa bawat county sa mga darating na taon!
Pagiging Karapat-dapat sa Programa ng Pagkain sa Restawran ng CalFresh
Upang maging kwalipikado para sa Programa ng Mga Pagkain sa Restawran ng CalFresh (RMP), lahat ng miyembro ng sambahayan sa CalFresh ay dapat isa sa mga sumusunod:
- isang nasa hustong gulang na nasa edad na 60 o pataas,
- isang taong may kapansanan,
- asawa ng indibidwal na kabilang sa isa sa mga kategoryang nabanggit, o
- isang taong nakakaranas ng kawalan ng tirahan.
Tandaan: Hindi kailangang matugunan ng mga asawa ang pamantayan sa edad o kapansanan. Ang mga sambahayan na mayroong kahit isang miyembro na hindi nakakatugon sa mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat sa RMP ay hindi magiging karapat-dapat para sa RMP. Mangyaring tingnan ang All County Letter 24-01 para sa karagdagang impormasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa lokal na tanggapan ng serbisyong panlipunan ng iyong county sa pamamagitan ng pagtawag sa CalFresh Information Line sa 1-877-847-3663 (FOOD) o sa pamamagitan ng pagbisita nang personal sa tanggapan ng serbisyong panlipunan ng iyong county.
Aling mga restawran ang tumatanggap ng mga benepisyo ng CalFresh Food?
Mag-scroll papunta sa itaas ng website na ito para magbukas ng mapa ng mga restawran na malapit sa iyo o ng listahan ng mga restawran sa iyong county. Maaaring gamitin ng mga kwalipikadong tagatanggap ng CalFresh ang kanilang mga benepisyo sa CalFresh Food sa alinmang kalahok na RMP sa buong estado, kahit na ito ay matatagpuan sa labas ng kanilang tinitirahang county. Tandaan na ang mapa at listahan sa itaas ng webpage na ito ay kasama lamang ang mga tagapagbigay ng serbisyo ng restawran na inaprubahan ng pederal na pamahalaan na kalahok sa RMP. Bukod pa rito, para mahanap ang mga lokasyon na tumatanggap ng EBT cash payment, mangyaring gamitin ang mapping tool at i-filter ang mga nauukol na setting. Ang kahon ng filter ay nasa kanang sulok sa itaas kapag ikaw ay nasa website ng mapping tool.
Hanapin ang karatula ng CalFresh RMP sa bintana!
Polyeto ng CalFresh RMP
(Ingles) (Espanyol) (Tsino) (Hmong) (Ruso) (Vietnamese)
Polyeto ng Kliyente ng CalFresh RMP
(Ingles) (Espanyol) (Tsino) (Hmong) (Ruso) (Vietnamese)
Mga Madalas Itanong tungkol sa CalFresh RMP (Malapit na!)
(Ingles) (Espanyol) (Tsino) (Hmong) (Ruso) (Vietnamese)
Social Media ng CalFresh RMP
(Ingles) (Espanyol) (Tsino) (Hmong) (Ruso) (Vietnamese)
Yunit ng Programa ng Pagkain sa Restawran ng CalFresh:
Kung mayroon kang anumang mga katanungan, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa CDSSRMP@dss.ca.gov.