Tungkol sa CACFP
Ang Child and Adult Care Food Program (Programa ng Pagkain sa Pangangalaga ng Bata at Nasa Hustong Gulang, CACFP) ay nagbibigay ng mga balik sa pagbabayad sa mga karapat-dapat na organisasyon at mgatagapagbigay ng tahanang pangangalaga ng bata para sa masusustansyang mga pagkain at meryenda na inihahain sa mga lugar ng pangangalaga. Pinangangasiwaan ng U.S. Department of Agriculture (Kagawaran ng Agrikultura ng Estados Unidos) ang programa sa buong bansa, na nagbibigay ng pagpopondo sa mga estado. Pinangangasiwaan ng California Department of Social Services (Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California, CDSS) ang programa sa California.
Ang mga karapat-dapat na sentro ng pangangalaga sa bata , sentro ng pangangalaga sa mga nasa hustong gulang, pangangalaga pagkatapos ng klase,, pansamantalang kanlungan, at pang-araw na tahanang pangangalagaay maaaring lumahok sa CACFP at makatanggap ng mga balik sa pagbabayad upang masagot ang ilan sa kanilang mga gastusin sa pagkain. Sa pamamagitan ng paglahok sa CACFP, mapapabuti ng mga tagapagbigay ng pangangalaga ang kalidad ng pang-araw na pangangalaga at magagawang abot-kaya at madaling makuha ng mga pamilya ang nutrisyon.
Para sa maikling pangkalahatang-ideya ng CACFP, mangyaring tingnan ang aming mga madaling ma-access na polyeto at nalilimbag na polyeto:
Makukuha rin ang Polyeto ng Impormasyon para sa mga Tagapagpatakbo ng CACFP sa mga sumusunod na wika:
Maaari mo ring panoorin ang bidyu naPanimula sa CACFP sa ibaba, na mapapanood sa Ingles at Espanyol.
Panimula sa CACFP (Bersyong Ingles)
Introducción al CACFP (Bersyong Espanyol)
Para matutunan pa ang tungkol sa programa, magpatuloy sa pagbabasa.
Mayroong limang bahagi sa CACFP: Pangangalaga sa Bata, Pangangalaga sa mga Nasa Hustong Gulang, Pansamantalang Kanlungan, Mga Pagkain para sa At-risk Afterschool, at mga Pang-araw na Tahanang Pangangalaga. Maaaring makalahok ang mga organisasyon sa CACFP sa ilalim ng isa sa mga bahaging ito kung natutugunan nila ang mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat.
- Ang bahaging Pangangalaga sa Bata ay makukuha ng mga lisensyado at walang lisensyang sentro ng pangangalaga sa bata. Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapat-dapat na organisasyon ang: Mga sentro ng Early Head Start , sentro ng Head Start , sentro ng Even Start , sentro para sa mga sanggol, sentro ng preschool , at mga sentro pagkatapos ng klase.
- Ang bahaging Pangangalaga sa Mga Nasa Hustong Gulang ay makukuha ng mga pampubliko o pribadong nonprofit na organisasyon ng Pangangalaga sa mga Nasa Hustong Gulang at ilang partikular na for-profit na organisasyon. Ang mga pasilidad ay dapat na hindi residensyal at nagsisilbi sa mga nasa hustong gulang na may kapansanan sa pagkilos o mga nasa hustong gulang na 60 taong gulang o pataas. Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapat-dapat na organisasyon ang: mga sentro ng pangangalaga sa mga nasa hustong gulang, sentro ng suporta sa pang-araw na pangangalaga, mga sentro ng pangangalaga sa mga nasa hustong gulang, at inaprubahang sentro sa Alzheimer.
- Ang bahaging Pansamantalang Kanlungan ay magagamit ng anumang pasilidad na ang pangunahing layunin ay magbigay ng pansamantalang kanlungan sa walang tirahan na mga pamilya na may mga anak. Ang mga residenteng 18 taong gulang at pababa na nakakatanggap ng kanilang pagkain sa isang pansamantalang kanlungan ay awtomatikong karapat-dapat para sa libreng pagkain.Ang bahaging Mga Pagkain para sa At-risk Afterschool ay makukuha ng mga pampubliko o non-profit na programa matapos ang klase na nagbibigay ng pagkain o meryenda sa mga batang nasa mga lugar na may mababang kita. Mga halimbawa ng mga karapat-dapat na organisasyon: mga awtoridad sa pagkain ng paaralan, mga organisasyong militar, Boys and Girls Club, mga lugar ng Young Men's Christian Association, at mga lugar ng Young Women's Christian Association.
Ang mga bahagi ng
mga Day Care Home (kilala rin bilang mga Family Day Care Home) ay nag-aalok ng balik sa pagabayad sa mga tagapagbigay ng serbisyio na nagpapatakbo sa labas ng tahanan ng tagapagbigay ng serbisyo. Ang mga tagapagbigay ng serbisyo na ito ay maaaring magkaroon ng
Lisensya sa Pangangalaga sa Komunidad sa pamamagitan ng CDSS, na nagbibigay-daan sa kanila na mag-alaga ng mga bata sa kanilang negosyo sa tahanan. Maaari rin silang magpatakbo sa pamamagitan ng
programang TrustLine para mag-alaga ng maliit na bilang ng mga bata (halimbawa, mga pamilyang kumukuha ng babysitter o kapitbahay na nag-aalaga ng mga bata habang nasa trabaho ang kanilang mga magulang).
Ang mga tagapagbigay ng serbisyo sa DCH ay dapat makipagtulungan sa isang nag-iisponsor na organisasyon upang mapatakbo ang CACFP.
- Kapag ang isang organisasyon o tagapagbigay ng serbisyo ay inaprubahang lumahok sa CACFP, bilang bahagi ng kanilang regular na pagpapatakbo sa programa, nagbibigay sila ng mga pagkaing nakakatugon sa mga kinakailangan sa nutrisyon ng USDA sa mga karapat-dapat na sanggol, bata, o nasa hustong gulang na nasa kanilang pangangalaga. Pagkatapos, makakatanggap ang organisasyon ng mga pagbabayad ng pera para sa mga kwalipikadong pagkain. Ang mga sentro ng pangangalaga sa bata, sentro ng pangangalaga sa mga nasa hustong gulang, programa matapos ang klase, at pansamantalang kanlungan ay maaaring lumahok sa CACFP nang mag-isa (tumatanggap ng pagsasanay, suporta, at mga balik sa pagbabayad nang direkta mula sa CDSS) o sa ilalim ng isang nag-iisponsor na organisasyon (tumatanggap ng pagsasanay, suporta, at mga balik sa pagbabayad mula sa nag-iisponsor na organisasyon). Ang mga tagapagbigay ng serbisyo sa pang-araw na tahanang pangangalaga ay maaari lamang lumahok sa CACFP sa ilalim ng nag-iisponsor na organisasyon. Ang organisasyong nag-iisponsor ng CACFP (o sponsor ng CACFP) ay isang kwalipikadong organisasyon na nagpapatakbo ng CACFP sa ngalan ng isa o higit pang iba pang mga organisasyong kalahok sa CACFP (tulad ng mga sentro ng pangangalaga o mga tagapgbigay pang-araw na tahanang pangangalaga ). Pumapasok ang sponsor sa isang kasunduan sa CDSS na nagsasaad na sila ang mananagot sa pagsasanay, pagsubaybay, at pamamahagi ng mga pagbabayad ng pera sa mga kalahok sa CACFP sa ilalim nila. Tinutulungan ng mga sponsor ang kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng pagbabawas ng dami ng trabahong kailangang gawin ng mas maliliit na organisasyon upang makilahok sa programa—na samakatuwid ay natutulungan ang mas maraming tao na magkaroon ng access sa masusustansyang pagkain!
Mga sentro ng pangangalaga sa bata, sentro ng pangangalaga sa mga nasa hustong gulang, pansamantalang kanlungan, at mga programa matapos ang klase—bumisita sa
Paano Mag-aplay sa CACFP. Mga tagapagbigay ng serbisyo ng pang-araw na tahanang pangangalaga—mangyaring makipag-ugnayan sa isang
CACFP Day Care Home Sponsor sa iyong lugar para sa impormasyon tungkol sa pagsali.
Ang aming misyon ay ang magbigay ng pantay na pag-access sa masusustansyang pagkain para sa mga sanggol, bata, at nasa hustong gulang sa komunidad sa pamamagitan ng pagsuporta sa aming mga Tagapagpatakbo ng CACFP sa pamamagitan ng gabay sa patakaran, edukasyon sa nutrisyon, at pagsasanay. Ang aming pananaw ay tiyakin na ang mga sanggol, bata, at nasa hustong gulang ay may access sa masusustansyang pagkain sa pamamagitan ng CACFP, at ang aming mga Tagapagpatakbo ng Programa ay may suporta at mga mapagkukunan upang matagumpay na mapangasiwaan ang programa.
- Estratehikong Plano ng CDSS CACFP: kung paano namin pinaplanong tiyakin na matagumpay na pinangangasiwaan ng mga tagapagpatakbo ng CACFP ng California ang programa.
- Buod ng Istratehikong Plano: ang mga nagpapatuloy na priyoridad at mga pangunahing pagpapahalaga na gagabay sa amin sa kabuuan ng aming trabaho.
Mga Tsart ng Organisasyon:
Ang institusyong ito ay nagbibigay ng pantay na oportunidad.
Esta institución es un proveedor que ofrece igualdad de oportunidades.