Ano ang CFAP?
Ang Estado ng California ay nagbibigay ng mga benepisyo sa pagkain na pinopondohan ng estado sa pamamagitan ng Programa ng Tulong sa Pagkain ng California (CFAP) para sa mga hindi mamamayan na hindi kwalipikado para sa mga benepisyo ng CalFresh na pinopondohan ng pederal na pamahalaan.
Mga Kasalukuyang Kinakailangan sa Pagiging Karapat-dapat sa CFAP
Upang maging karapat-dapat sa CFAP, ang mga hindi mamamayan ay dapat maging hindi karapat-dapat sa kasalukuyan para sa mga benepisyo ng CalFresh dahil lamang sa kanilang katayuan sa imigrasyon sa ilalim ng Personal Responsibility and Work Opportunity Reconciliation Act (PRWORA) ng 1996.
Ang ilang halimbawa ng mga indibidwal na Karapat-dapat sa CFAP ay mga hindi mamamayan na:
- Mga Legal na Permanenteng Residente (LPR, Lawful Permanent Resident) na hindi natugunan ang mga pamantayan sa limang (5) taon na kinakailangan sa paninirahan sa Estados Unidos (U.S.) residency requirement o 40 kwalipikadong quarter sa trabaho;
- Mga Nakaparol.
- Mga pansamantalang pumasok sa bansa nang may kondisyon; o
- Nabubugbog o inaabuso.