Sino ang Karapat-dapat?

Mga Kasalukuyang Kinakailangan sa Pagiging Karapat-dapat sa CFAP

Upang maging karapat-dapat sa CFAP, ang mga hindi mamamayan ay dapat maging hindi karapat-dapat sa kasalukuyan para sa mga benepisyo ng CalFresh dahil lamang sa kanilang katayuan sa imigrasyon sa ilalim ng Batas sa Personal na Pananagutan at Pagkakataon sa Pagtatrabaho para sa Pagkakasundo (PRWORA) ng 1996.

Ang ilang halimbawa ng mga indibidwal na Karapat-dapat sa CFAP ay mga hindi citizen na:

  • Mga Legal na Permanenteng Residente (LPR, Lawful Permanent Resident) na hindi natugunan ang mga pamantayan na limang (5) taon na kinakailangan sa paninirahan sa Estados Unidos (U.S.) Pamantayan ng 40 Kwalipikadong Kwarter ng Pagtatrabaho;
  • Mga Nakaparol. 
  • Mga pansamantalang pumasok sa bansa nang may kondisyon; o
  • Nabubugbog o inaabuso.

Mga Detalye sa Pagiging Karapat-dapat

Upang matuto pa at mag-apply, mangyaring bisitahin ang Paano Mag-apply para sa CalFresh

Simula Marso 9, 2021, ang CalFresh at CFAP ay hindi itinuturing na mga programa na pasanin ng pamahalaan (public charge). Ang ibig sabihin nito ay hindi maaapektuhan ng CFAP ang iyong aplikasyon para sa visa sa U.S. o ang iyong aplikasyon para sa green card na nakabase sa pamilya. Ang CFAP ay isang benepisyo sa pagkain na pinopondohan ng estado at ligtas na gamitin.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagiging pasanin ng pamahalaan, mangyaring bisitahin ang sumusunod:

  • Webpage ng Public Charge ng Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California (CDSS), i-click DITO .
  • Gabay sa Public Charge ng Ahensya ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao ng California (CalHHS) (mababasa sa 21 wika), i-click DITO.
  • Kagawaran ng Homeland Security, i-click DITO.

Mga Pagsasalin sa Pahinang Ito

Ang web page na ito ay mababasa rin sa mga sumusunod na wika:

  • Español – Espanyol (Nakabinbin na Nasalin na Pahina)
  • 中文 – Tsino (Nakabinbin na Nasalin na Pahina)
  • 한국인 – Koreano (Nakabinbin na Nasalin na Pahina)
  • Tagalog – Tagalog (Nakabinbin na Nasalin na Pahina)
  • Tiếng Việt – Vietnamese (Nakabinbin na Nasalin na Pahina)