Mga Kinakailangan para sa Trabaho sa CalFresh at Pakikibahagi sa Komunidad
Maligayang Pagdating sa webpage ng Mga Kinakailangan para sa Trabaho sa CalFresh at Pakikibahagi sa Komunidad Ang pahinang ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga Kinakailangan sa Trabaho sa CalFresh at Pakikibahagi sa Komunidad kabilang ang mga kinakailangan sa trabaho sa CalFresh at mga patakaran sa mga May Kakayahang Nasa Hustong Gulang na Walang Dependent.
A PARTIR DEL 1 DE JUNIO DE 2026
A partir del 1 de junio de 2026, las reglas del gobierno federal sobre los requisitos de trabajo e interacción con la comunidad del programa CalFresh cambiarán en California. Esto significa que algunos beneficiarios de CalFresh tendrán que cumplir ciertos requisitos de trabajo para mantener sus beneficios de CalFresh. Continúe leyendo para conocer estos cambios y cómo afectarán a los beneficiarios de CalFresh.
Para acceder a materiales de divulgación y capacitación, visite la página web de Recursos.
Mga Pagbabago sa mga Kinakailangan sa Trabaho ng CalFresh
Ang mga patakaran ng pederal na pamahalaan sa mga kinakailangan sa trabaho ng CalFresh ay nagbabago. Simula Hunyo 1, 2026, sa ilalim ng mga bagong pederal na patakaran na ito, ilang indibidwal ay kakailanganing tumugon sa mga kinakailangan sa trabaho at pakikibahagi sa komunidad ng CalFresh upang makakuha o mapanatili ang kanilang mga benepisyo sa CalFresh.
Nalalapat sa iyo ang mga palatuntunan na ito kung ikaw ay:
- Nasa pagitan ng mga edad na 18 at 64;
- Walang kapansanan; at
- Walang dependent na anak na wala pang 14 na taong gulang.
Ang ilang indibidwal ay maaaring hindi napapailalim sa mga patakarang ito, tingnan sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
Alamin pa ang tungkol sa mga Kinakailangan sa Trabaho at Komunidad ng CalFresh
Ano ang mga pangkalahatang kinakailangan sa trabaho sa CalFresh?
Ang mga pangkalahatang kinakailangan sa trabaho ng CalFresh ay nalalapat sa mga taong nasa edad 16 hanggang 59 na may kakayahang magtrabaho. Ang mga pangkalahatang kinakailangan sa trabaho ng CalFresh ay kilala bilang pagpaparehistro ng trabaho sa California. Kung ikaw ay napapailalim sa mga patakaran sa pagpaparehistro sa trabaho, dapat kang kumuha ng angkop na trabaho kung inaalok at hindi kusang-loob na magbitiw sa trabaho o bawasan ang iyong oras ng trabaho nang mas mababa sa 30 oras bawat linggo nang walang matibay na dahilan kung ikaw ay nagtatrabaho.
Maaari kang lumiban sa pagpaparehistro sa trabaho kung ikaw ay:
- Wala pang 16 na taong gulang, o nasa edad na 60 o pataas.
- Nag-aalaga sa isang dependent na batang wala pang anim na taong gulang (hindi nila kailangang manirahan kasama ka).
- Nag-aalaga sa isang taong may kapansanan (hindi nila kailangang manirahan kasama ka).
- Kumikita ng hindi bababa sa $217.50 kada linggo bago makaltasan ng buwis o nagtatrabaho nang hindi bababa sa 30 oras kada linggo.
- Tumatanggap o nag-a-apaly para sa mga benepisyo sa pagkawala ng trabaho (unemployment benefits).
- Tumatanggap o nag-a-aplay para sa mga benepisyo para sa kapansanan mula sa anumang pinagmumulan (kabilang sa mga benepisyo sa kapansanan ang, ngunit hindi limitado sa mga pensyon, kompensasyon ng mga manggagawa, seguro sa kapansanan, Social Security, Supplemental Security Income, at mga benepisyo ng beterano).
- May kapansanan.
- Pumapasok sa paaralan, kolehiyo, o programa ng pagsasanay nang hindi bababa sa kalahati ng oras (maaaring iangkop ang mga karagdagang panuntunan sa pagiging karapat-dapat ng estudyante ).
- Natutugunan ang mga panuntunan sa trabaho para sa isa pang programa, tulad ng CalWORKs.
- Nasa programa ng paggamot para sa pang-aabuso sa droga o alkohol.
Ano ang Kinakailangan sa Trabaho ng ABAWD at ano ang kahulugan nito para sa akin?
Ang kinakailangan sa trabaho ng ABAWD ay isang pederal na tuntunin. Ang mga taong itinuturing na ABAWD ay maaari lamang makakuha ng 3 buong buwan ng mga benepisyo ng CalFresh bawat 3 taon. Maaaring makatanggap ng mga benepisyo ang mga ABAWD nang mahigit sa 3 buwan kung sila ay nagtatrabaho, nakapagpaliban sa kinakailangang pagtatrabaho, o nakatira sa isang county na nakapagpaliban sa kinakailangang pagtatrabaho.
Ang kinakailangan sa trabaho ng ABAWD ay naaangkop sa iyo kung ikaw ay:
- Nasa pagitan ng mga edad na 18 at 64 na taong gulang;
- Walang dependent na anak na wala pang 14 na taong gulang;
- Itinuturing na may kakayahan ang pangangatawan at pag-iisip upang makapagtrabaho nang hindi bababa sa 20 oras kada linggo; at
- Hindi makakapagpaliban sa patakarang ito.
Kung naaangkop sa iyo ang kinakailangan sa trabaho bilang ABAWD, kakailanganin mong magkaroon ng trabaho, magboluntaryo, o nakatala sa paaralan o sa isang programa sa pagsasanay sa trabaho. Kung ikaw ay nagtatrabaho , kailangang nagtatrabaho ka ng karaniwang 20 oras kada linggo o kumikita ng $217.50 kada linggo bago makaltasan ng buwis.
Kung ikaw ay nag-aaral o nasa programa ng pagsasanay, kailangan mong magkaroon ng kabuuang oras ng klase na 20 oras kada linggo o nakatala sa hindi bababa sa kalahati ng oras.
Kung hindi mo matutugunan ang kinakailangang ito, makakakuha ka lamang ng mga benepisyo ng CalFresh sa loob ng tatlong buwan sa loob ng tatlong taong panahon. Makakatulong ang county na ikonekta ang mga ABAWD sa mga lokal na oportunidad sa trabaho sa lugar upang matugunan ang kinakailangan sa pagtatrabaho ng ABAWD.
Bukod pa rito, ang ilang tagatanggap ng CalFresh na dating nakapagpaliban sa mga patakarang ito ay kailangan na ngayong tumugon din sa mga kinakailangan sa trabaho upang patuloy na makatanggap ng mga benepisyo ng CalFresh maliban kung maaari silang lumiban sa ibang dahilan.
Kabilang sa bagong grupong ito ang mga tumatanggap ng CalFresh na:
- Nasa edad 55-64 na taong gulang;
- Mga magulang na ang bunsong anak ay 14 na taong gulang o mas matanda pa;
- Nakakaranas ng kawalan ng tirahan;
- Mga beterano,
- Kasalukuyan o dating nasa foster na pangangalaga sa kanyang ika-18 taon na kaarawan.
Paano ako makakaliban sa kinakailangan sa trabaho ng ABAWD?
Makakapagpaliban ka sa iniaatas sa trabaho ng ABAWD kung ikaw ay:
- Wala pang 18 o mahigit 64 na taong gulang
- Magulang o responsable para sa dependent na batang wala pang 14 na taong gulang
- Makakapagpaliban ka sa mga pangkalahatang iniaatas sa trabaho ng CalFresh kung ikaw ay:
- Hindi makapagtrabaho ng hindi bababa sa 20 oras kada linggo o kabuuang 80 oras o higit pa kada buwan dahil sa problema sa pangangatawan o pag-iisip.
- Hindi makapagtrabaho dahil nahihirapan ka sa pagkalulong sa droga o alkohol o biktima ng karahasan sa tahanan o nakakaranas ng talamak na pagkawala ng tirahan. Ang kondisyon ay kailangang nauugnay sa problema ng pangangatawan o pag-iisip.
- Nagbubuntis (anumang yugto ng pagbubuntis).
- Kinikilala ang sarili bilang Indian, Urban Indian o California Indian sa ilalim ng Indian Health Care Improvement Act (IHCIA).
- Nakikilahok sa isang programa sa pagsasanay ng Office of Refugee Resettlement (ORR) nang hindi bababa sa kalahating oras.
- Naninirahan sa isang lugar kung saan napagpaliban ang kinakailangan sa pagtatrabaho ng ABAWD.
Aling mga county sa California ang makakapagpaliban sa kinakailangang pagtatrabaho ng ABAWD?
Ang kinakailangan sa pagtatrabaho ng ABAWD ay napagpaliban mula Nobyembre 1, 2025 hanggang Oktubre 31, 2026 para sa mga sumusunod na county:
- Alpine
- Colusa
- Imperial
- Merced
- Monterey
- Plumas
- Tulare
Nangangahulugan ito na ang mga taong naninirahan sa mga county na ito ay hindi kailangang tumugon sa mga tuntunin sa kinakailangan sa pagtatrabaho ng ABAWD at maaaring makakuha ng CalFresh nang higit sa tatlong buwan kung hindi sila nagtatrabaho.